Ano ang Juan Army?



Ang JUAN ARMY ang opisyal na lathalain ng Army Transformation Roadmap (ATR) na nililimbag kada tatlong buwan ng Headquarters, Philippine Army at pinangangasiwaan ng Army Governance and Strategy Management Office (AGSMO). Upang matugunan ang mga layunin ng ATR na pagtibayin ang ugnayan ng mga sundalo sa publiko; ipabatid ang imahe ng Philippine Army na nagpapakita ng karangalan, katapatan, at katungkulan; at maging isang propesyonal na Army na suportado ng tao, ang JUAN ARMY ay nagsisilbing instrumento sa paglimbag ng mga istorya, imahe, at komentaryong naglalarawan ng isang nagbabagong Philippine Army. Ngunit hindi lamang ninanais ng lathalaing ito ang ipalaganap ang ATR. Dahil sa mga repormang naihahatid ng ATR sa organisasyon, layunin din ng JUAN ARMY na tumulong sa adbokasiya ng gobyernong ipanday ang "daang matuwid" sa pamamahala.

No comments:

Post a Comment